Land Area by IMPACT REPORT 2024

land Area from Impact Report 2024

Municipal Assessor's Revenue and Tax Impact Report 2024

Ang Municipal Assessor's Revenue and Tax Impact Report 2024 ay isang mahalagang ulat na inihanda ng Office of the Municipal Assessor ng Rosario, Batangas alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No. 12001, na inaprubahan noong Hunyo 13, 2024. Layunin nitong suriin ang epekto ng bagong Schedule of Market Values (SMV) sa mga buwis at kita ng munisipyo, gayundin ang implikasyon nito sa mga nagbabayad ng buwis.

Ano ang Schedule of Market Values (SMV)?

Ayon sa Sec. 4(p), Article I ng RA No. 12001, ang SMV ay isang talaan ng batayang halaga ng merkado ng lahat ng uri ng real property (maliban sa makina) sa loob ng isang LGU. Ang SMV ay ginagamit upang tukuyin ang kasalukuyang halaga ng merkado ng ari-arian, na magsisilbing basehan para sa pagsingil ng buwis gamit ang itinakdang assessment level at actual use ng ari-arian.

Layunin ng Revenue and Tax Impact Report

Ayon sa Sec. 17, Article III ng RA 12001, layunin ng ulat na ito na:

Kahalagahan ng Revenue and Tax Impact Report

Ang ulat na ito ay mahalagang gabay para sa lokal na pamahalaan ng Rosario, Batangas sa paggawa ng mga desisyon kaugnay ng buwis. Sa karagdagan, ang inclusion ng Taxable at Non-Taxable Land Area ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng kabuuang sukat ng lupa sa bawat barangay, na makakatulong hindi lamang sa tax assessment kundi pati na rin sa pagpaplano ng mga programa at proyekto para sa kaunlaran ng komunidad.

Sa pamamagitan nito, nagiging matatag ang kita ng munisipyo habang binibigyan ng konsiderasyon ang kakayahan ng bawat nagbabayad ng buwis. Higit pa rito, nagiging mas sistematiko ang paggamit ng lupa sa Rosario, Batangas, na nakatuon sa pangmatagalang kaayusan at kaligtasan ng bawat barangay.

Paghahambing ng Kabuuang Sukat ng Lupa: GIS Processing at Impact Report 2024 

Gusto nating ipaliwanag na, sa proseso ng pagsusuri ng mga datos para sa ating mga plano, nakita natin ang Total Land Area na nakuha mula sa GIS Processing, na ginamit bilang batayan sa pagbuo ng Comprehensive Land Use Plan o CLUP 2016-2030. Nang ito po ay inihambing sa Total Land Area na nakasaad sa Impact Report ng Office of the Municipal Assessor para sa Tax Year 2024, lumabas na ang kabuuang diperensya o variance sa pagitan ng dalawang datos ay napakaliit lamang—tinatayang nasa 1.46%.

Ibig sabihin po nito, halos magkatugma ang mga datos na ginamit mula sa dalawang magkaibang sanggunian, na nagpapakita ng mataas na antas ng katumpakan ng ating mga pinagkukunan ng impormasyon. Ang kaunting variance na ito ay maaaring sanhi ng mga pamamaraan ng pagsukat o pagkakaiba sa panahon ng pagkuha ng datos, ngunit hindi ito makabuluhang nakakaapekto sa kabuuang integridad ng ating plano.

Ang impormasyong ito ay mahalaga dahil nagbibigay ito sa atin ng kumpiyansa na ang mga datos na ating ginagamit sa paggawa ng mga plano sa ating komunidad, tulad ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan at CLUP, ay maaasahan at makatotohanan.


Sanggunian:

[1] Barangay Boundary GIS Shapefile Attribute (2015). Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Research and Planning Section, Municipality of Rosario, Batangas.

[2] REPUBLIC ACT NO. 12001. (2024, June 13). Retrieved December 2, 2024, from Official Gazette of the Republic of the Philippines: https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2024/06jun/20240613-RA-12001-FRM.pdf

[3] Impact Report by Barangay for Tax Year 2024. Municipal Assessor's Office, Municipality of Rosario, Batangas

Visitors