Hazard and Risk Maps for your BDRRM PLAN
Bilang bahagi ng ating talakayan, nais po naming ipaliwanag kung paano nakuha ang Population 2024 Projected Moderate Annual Growth Rate Scenario na ginamit sa ating mga plano.
Ang populasyon para sa taong 2024 ay tinantiya gamit ang population growth rate na nakuha mula sa pagitan ng Census of Population noong Agosto 1, 2015 at ng Census of Population and Housing noong Mayo 1, 2020. Ang nakalkulang annual growth rate o AGR ay 2.01201% na maituturing nating moderate growth rate scenario.
Para naman sa antas ng barangay, ang mga populasyon ng bawat barangay ay ipinamahagi mula sa tinatayang populasyon ng buong munisipyo gamit ang kanilang participation rate na naitala mula sa census noong 2020.
Ang prosesong ito ay mahalaga upang masigurado na ang ating mga plano ay nakabatay sa makatotohanan at detalyadong datos, na nagbibigay ng malinaw na gabay para sa disaster risk reduction at management.
Ang kalkulasyon para sa tinatayang populasyon ay ginawa ng Research and Planning Section ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Rosario, Batangas.
Kung may mga katanungan po kayo, malugod po namin itong sasagutin. Maraming salamat po!
Saligan:
2020 Census of Population and Housing, May 1, 2020. Philippine Statistics Authority.
2015 Census of Population, August 1, 2025. Philippine Statistics Authority.
Research and Planning Section. Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Rosario, Batangas.,
Visitors