Hazard and Risk Maps for your BDRRM PLAN
Bilang bahagi ng ating pagpaplano sa disaster risk reduction at management, nais po nating ipaliwanag kung paano nakuha ang Population 2024 Projected na magagamit sa ating mga plano.
Ang Population 2024 Projected ay batay sa Population Projections na nakasaad sa ating Comprehensive Land Use Plan (CLUP) na maituturing nating high growth rate scenario. Gayunpaman, nagkaroon po tayo ng kaunting adjustments o pagbabago, partikular sa proseso ng rounding off ng mga numero upang mas mapadali ang interpretasyon at mas maging praktikal sa aktwal na paggamit.
Ibig sabihin, ang batayang datos ay nananatiling tumpak at ayon sa CLUP, ngunit ang maliit na pagbabago sa rounding off ay ginawa lamang upang maiwasan ang hindi kinakailangang komplikasyon sa mga kalkulasyon at dokumento.
Mahalaga pong maunawaan ito dahil ito ang magiging pundasyon ng ating mga plano at programa, lalo na’t ang tamang populasyon ay kritikal sa pagbuo ng mga epektibong Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plans.
Ang kalkulasyon para sa tinatayang populasyon ay ginawa ng Research and Planning Section ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Rosario, Batangas.
Kung mayroon kayong mga katanungan, bukas po tayo upang sagutin ang mga ito.
Saligan:
Comprehensive Land Use Plan (CLUP) and Zoning Ordinance (ZO): 2016-2030, Volume 3 - The Sectoral and Special Area Studies, Municipality of Rosario, Batangas
Visitors