Join the DRRM Rosario Club — Our Official Online Community!
Dr. Reynante D. Bianzon, LPT, MBA, MCDRM, DPA—Municipal DRRM Officer of Rosario, Batangas, and the first featured Face of Resilience.
Dr. Reynante D. Bianzon, LPT, MBA, MCDRM, DPA — the Municipal DRRM Officer of Rosario, Batangas, and a steadfast force in times of crisis.
Published May 11, 2025, 6:00 pm
Updated May 17, 2025, 6:30 pm
Pamumunong Matatag, Paglilingkod na May Malasakit
Sa loob ng mahigit siyam na taon ng dedikadong paglilingkod sa Lokal na Pamahalaan ng Rosario, si Dr. Reynante D. Bianzon ay naging haligi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Sa gitna ng pagsubok—mula sa pagputok ng Bulkang Taal hanggang sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic—kanyang pinatunayan na ang matatag na pamumuno ay kaakibat ng tunay na malasakit. Ang kanyang kwento ay salamin ng isang lider na hindi sumusuko, kundi laging handang magsilbi para sa kaligtasan, proteksyon, at katatagan ng kanyang bayan.
Buong Pangalan: Reynante D. Bianzon, LPT, MBA, MCDRM, DPA
Edad: 46 taong gulang
Kasalukuyang Propesyon: Hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Rosario, Batangas
DRRM Involvement:
Mahigit 9 na taon bilang pinuno ng MDRRMO
Pinamunuan ang pagtanggap sa 12,000 evacuees noong Taal eruption
Co-Incident Commander ng Local IATF sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic
Scholar ng Philippine Public Safety College – Master in Crisis and Disaster Risk Management
Rosario awarded 2024 Gawad Kalasag Seal – Fully Compliant
DRRM Tip: “Maging alerto bentekwatro.”
“"Sa loob ng mahigit siyam (9) na taon ng aking panunungkulan sa Lokal na Pamahalaan ng Rosario, Batangas bilang pinagkatiwalaang mamuno sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, masasabi kong ako’y naging kabahagi na sa iba’t ibang kaganapan na may kinalaman sa DRRM.
Sinubok ang ating kakayahan sa pamumuno noong panahon ng hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal, kung saan ang Bayan ng Rosario ay tumanggap ng mahigit 12,000 kataong biktima ng nasabing sakuna. Sinundan ito ng paglaganap ng COVID-19 pandemic na tumagal ng halos dalawang taon, kung saan ako ay naatasang maging Co-Incident Commander ng Local Inter-Agency Task Force (IATF). Dito, pinamunuan natin ang pamamahala sa mga polisiya ng lokal na pamahalaan at ang pagsunod sa itinakdang mga patakarang pambansa laban sa COVID-19. Isinaayos natin ang agarang mga hakbang para sa pagbabakuna ng mga mamamayan, kabilang na ang mga mula sa karatig-bayan, upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Gayundin, ating pinangalagaan ang karapatan at proteksyon ng mga naging biktima ng naturang krisis hanggang sa unti-unting manumbalik ang normal na pamumuhay. Iba’t ibang sakuna na ang ating hinarap—bagyo, baha, sunog, at aksidente sa kalsada—kung saan tayo ay naging kabahagi sa pagtugon at sa ilang pagkakataon ay nakapagligtas ng buhay.
Maraming pagsubok ang dumaan, subalit walang imposible kapag ikaw ay determinadong tumulong at maging bahagi ng pag-unlad ng bayan, kasabay ang paninigurong ligtas ang bawat mamamayan sa tulong at gabay ng ating Dakilang Lumikha.
Dahil sa masidhing layunin na maiangat pa ang antas ng kaalaman sa peligro at sakuna, naglakas-loob akong magbakasakali, at isang malaking karangalan para sa akin ang mapabilang sa hanay ng mga mag-aaral ng Philippine Public Safety College bilang isang government scholar sa kursong Master in Crisis and Disaster Risk Management.
Nitong nakaraang taon, ang Bayan ng Rosario ay ginawaran ng 2024 Gawad Kalasag Seal – Fully Compliant sa pangunguna ng MDRRMO—tanda ng maayos at epektibong pamamahala sa larangan ng disaster risk reduction and management."
“Nais kong ipaunawa na ang kahandaan sa sakuna ay hindi lang tungkulin ng gobyerno—ito ay responsibilidad ng bawat isa.”
“Ang kahandaan ang magsisilbing sandigan para mailigtas natin ang ating pamilya sa anumang kapahamakan. Ito ang unang depensa ng mamamayan.”
May kwento ka ba ng katatagan, kahandaan, o kabayanihan sa gitna ng sakuna?
O may kaibigan kang maaaring maging inspirasyon sa iba dahil sa kanyang DRRM na karanasan?
📸 Hikayatin silang ibahagi ang sarili nilang kwento at larawan sa ating Weekly Series!
📥 Tanging mga indibidwal mismo ang maaaring magpasa ng kanilang impormasyon at larawan, alinsunod sa Data Privacy Act.
🔔 Magsimula sa pamamagitan ng pag-message sa amin sa starosariobatangas@gmail.com o bisitahin ang aming Facebook Page DRRM Rosario upang malaman kung paano maisasama ang iyong kwento sa Face of Resilience!
Week No. 1 - Doc Rey | Week 2 - Sir Paul